Quantcast
Channel: Tsikot Community Forums Feed
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14144

Please help, problem sa pagtatransfer ng name ng sasakyan.

$
0
0
Good morning, help nyo naman po ako kung ano dapat ko gawin.

Year 2004 if Im remember it right, bumili ang father ko ng Honda ESI (1993) model sa may Pasay, car dealership yun binilhan namin, madami naka-display na nasasakyan. So naiuwi namin sa Batangas, then later on natransfer din sa name ko yun sasakyan. In 5 years kong ginagamit walang naging problema sa renewal sa LTO. Pero naisip ng father ko na ibenta nung 2009, so nabenta at nagagamit nun nakabili.

Ngayon ang problema nuon pa hindi daw maitransfer nun naka-bili sa name nya at ang sabi sa LTO may record daw ng steal. Eh sabi namin bakit naitransfer sa'min nun dealer na nabilhan namin. So after nun nawala yun nakabili and ngayon bumalik uli sa'kin kasi ibebenta nya na raw yun sasakyan. Eh ganon pa din daw ang problema hindi pa rin daw nya naitatransfer sa name nya, at ang gusto mag-appear daw ako sa Camp Crame at kakausapin daw ako.

Medyo natatakot ako, ano po ba dapat kong gawin? Sasama ho ba ako sa nakabili pagpunta ng Crame? Natatakot din yun nakabili na basta na lang daw pumunta dun at baka kabigin yun sasakyan.

Advise naman dyan mga Sir.


Salamat po.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 14144

Trending Articles