Quote:
EPEKTIBO na ngayong araw ang mahigpit na batas laban sa pagmamaneho ng nakainom ng alak o nakagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), sapat na ang kanilang ginawang paghahandang kaya hindi maaaring sisihin ang mga tagapagpatupad ng batas kung sisimulan na nila ang pagdakip at pagpataw ng mas mabigat na parusa laban sa mga matutukoy na lumalabag.
Batay sa Republic Act 10586, maliit na porsyento lamang ng nainom na alak ay maaari na umanong pagmultahin, makulong at matanggalan ng lisensya ang sinumang nagmamaneho nang nakainom ng alak o mga katulad nitong substance lalo na kung nakapagdulot ito ng pinsala sa ibang tao o ari-arian.