Quantcast
Channel: Tsikot Community Forums Feed
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14167

Planning to buy expensive wax!

$
0
0
Mga experts, nagpaplano po kasi ako bumili ng collinite 915 wax. May sedan po ako dati na black at ngayon suv na black pa din.. Gusto ko po kasi lagi makintab. Rare lang ako nagpapacarwash so hands on talaga ako sa kotse ko kasi wala pong maayos na carwash shop dito samin d matino lahat(trapong damit ang ginagamit sa pagwashing, dashboard nilalagyan ng tireblack, etc).. May helper din kami pero pumalpak yung dati sa paglilinis at nascratch pa yung paint. Kaya la na rin ako tiwala sa mga helpers sa paglinis ng kotse..
Nasa college pa po ako at meticulous ako sa paglilinis ng kotse, ayaw n ayaw ko pong may scratches even swirl marks which is kitang kita talaga sa black cars pag tamaan ng sinag ng araw.
Pero since ngayon po eh sobrang busy na sa pag-aaral eh nahihirapan na ako maglinis ng kotse almost every 2 days pero ayaw ko pa din magpacarwash.
Naiirita po ako pagnakikita kong madumi ang kotse ko. Parang sa black leather shoes din po natin, nakakairitang tignan pag madumi. Madalas din ang ulan ngayon samin..
Ang ginagamit kong carwash is turtle wax liquid type.. Ung below 300php lang. Ok naman di na masyadong klaro ang gasgas at makintab din ang kotse. Pero madali lang matanggal lalo na pag naulanan at dikitin ng alikabok.

Base kasi sa review yung collinite 915 tumatagal ng months at yung tubig dumadaan lang. May mga questions lang sana ako:

1. Pag naulanan po ba eh gamit na lang ako ng microtex para matanggal ang tubig ulan pero di didikit ung dumi sa kotse? Considering maalikabok ang kotse tapos uulan, pagdry nun madumi talaga ang kotse.

2. Totoo po ba months ang effect nitong wax?

3. How's the difference in shine compared to turtle wax?

4. Can it remove or hide swirl marks?

5. Dikitin din po ba ng alikabok tong collinite? Kasi useless din po magpakintab kung maalikabok/dust din..



Kung positive po mga sagot sa katanungan ko malaking tulong para sakin.. Every sunday na lang ako maglilinis.. Hehe
Gusto ko din ng value for the money..

Viewing all articles
Browse latest Browse all 14167