Quantcast
Channel: Tsikot Community Forums Feed
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14144

My nanay...

$
0
0
habang lumalaki kayo ang pinakamagandang sinabi or advised nang inyong ina...

ako noong 1yr high school nagkaron na ako nang GF at nagpaalam ako na may date ako hehehehe... first time syempre excited dahil kilala din naman nila yung girl at open talaga ako sa nanay ko dahil pinapayagan nya ako.

Binigyan ako nang pan-date sabay abot sa akin nang condom... ang sabi anak kung hindi ka makatiis gamitin mo eto dahil pagnakabuntis ka palalayasin kita.

Sabi ko Nay 13 lang po ako and ang sagot sa akin bakit ka nakikipagdate kung 13 ka lang... hahaha tama naman sya eh... kaya hindi ko pinahiya ang nanay ko lagi akong may dalang condom noong bata pa ako.

Noong papasok ako nang college alam naman nya na hindi ako magaling sa school lagi nga ako may bagsak noong high school at elementary. Ang sabi nya sa akin anak tapusin mo ang college kahit 7 yrs pa suportahan kita... Sa hiya ko tinapos ko nang 3 1/2 yrs. kaso nga lang hindi ganun kagandahan grades ko pero ni minsan hindi ako bumagsak.

Wala nga nag aakala sa pamilya namin or sa mga nakakilala sa akin noong bata pa ako na maabot ko ang kinalagyan ko ngayon dahil ang alam nila isa akong hamak na bagamundo at walang mararating sa buhay. Aasa na lang sa mga magulang.

Tama ang nanay ko hindi nasusukat ang kapalaran nang tao sa ginagawa nya ngayon o noong bata pa sya kundi sa mga bagay na matutunan nya sa hinaharap.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 14144

Trending Articles